fashion!
Rant: Nosy People/Taong sabatero
Nosy. Ito yung taong walang awat kung sumabat sa bawat usapan ninyo ng kaibigan/kaklase/osinopaman. Yung kahit hindi niya alam yung topic gagawa siya ng way para makapasok lang sa usapan. Yung kahit lumayo ka na sa kaniya, ‘eh lalapit pa rin ito para lang makihalubilo.
Nagsilbing inspirasyon ang kaklase ko sa kathang ito. Pero, ano kayang maaari mong maramdaman kapag sa’yo nakikisabat ang mga ganitong tao?
- Nakakairita/Nakakabwisit- Sino ba namang may gusto sa mga taong sisingit nalang basta-basta sa usapan ng may usapan. Pre, wala ba sa dictionary mo ang privacy? Kahit ang salitang respect man lang. Okay lang kung group project ‘to, may karapatan kang sumabat, pero, pribadong usapan ‘to, dumistansya ka naman ‘oh?
- Sarap mong balutin ng tape sa bunganga- Oh! Bunganga talaga, para damang dama mo yung feelings ko. Wagas kung makaputak naman ‘te. May bukas pa, hindi naman pwedeng lahat ng bagay sa mundo ‘eh dapat alamin mo. Nakakaloko lang talaga. Sarap bumili ng packing tape, at ipapack ko sa packing mouth mo!!
- Pipiliin ko nalang na hindi na magsalita- Kesa naman marinig niya lahat ng sasabihin ko, ‘eh mas pipiliin ko nalang na hindi na magsalita at hayaan siyang guluhin ang ibang nag-uusap. Hanggang sa mapanis na ang laway niya at maubusan na siya nito, at titigil na rin siya sa kadadakdak.
- Kakausapin kita ng matino ng isang beses, at kapag hindi ka tumigil, aba! Giyera to- Lalo na kung importante yung pinaguusapan namin tapos sasabat ka. Tss. Kung hindi ka ba naman numero unong chismosa/so at sabatera/ro. Maiintindihan ko kung hindi mo maaalis, habit mo na ‘eh, pero hangga’t maaari sana ‘eh baguhin mo naman. Hindi yan nakakatulong.















